January 26, 2026

Home BALITA

'Bago n'yo kami ipagkanulo para maipakulong, magbanat muna tayo ng buto!’—Sen. Robin

'Bago n'yo kami ipagkanulo para maipakulong, magbanat muna tayo ng buto!’—Sen. Robin
Photo courtesy: via MB

Isang Facebook post ang iniwan ni Sen. Robin Padilla matapos umugong ang umano’y arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) para kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa kaniyang FB post nitong Sabado, Nobyembre 8, 2025, iginiit niyang abala raw sila para sa pagsasaayos ng mga relief goods. 

“Busy po ako ngayon sa pagsasaayos at paghahanda ng relief goods para sa parating na bagyo,” ani Padilla.

Saad pa niya, “BAGO n’yo KAMİ ipagkanulo para maipakulong, magbanat muna tayo ng buto para makatulong sa kapwa.”

National

'Layas!' Sen. Erwin Tulfo, nanggigil sa mga opisyal ng Chinese Embassy

Sa isang panayam sa radyo nitong Sabado, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroon nang arrest warrant ang ICC laban kay Dela Rosa—bagay na tinabla naman ng kaniyang kapatid na si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!

Ayon sa kalihim, wala pa silang natatanggap na anumang red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol).

MAKI-BALITA: Kampo ni Sen. Bato sa arrest warrant ng ICC: 'If proven true, we trust the PH govt!'

Matatandaang isa ang pangalan ni Dela Rosa sa mga naging matutunog na umano’y isusunod ng ICC na maaresto kasunod ng pagdampot nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dulot ng madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD