January 24, 2026

Home BALITA

'We hear you!' Ombudsman, tiniyak pagbibigay-hustisya sa mga nasalanta ng bagyong Tino

'We hear you!' Ombudsman, tiniyak pagbibigay-hustisya sa mga nasalanta ng bagyong Tino
Photo courtesy: via MB, via AP News

Siniguro ng Office of the Ombudsman na maibibigay umano ang hustisya para sa mga nabiktima at nasalanta ng bagyong Tino.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Ombudsman nitong Biyernes, Nobyembre 7, 2025, ipinarating nila ang kanila raw pakikiramay sa lahat ng mga nasawi bunsod ng nasabing bagyo.

"The Office of the Ombudsman stands in mourning with the nation for the lives lost in the devastation caused by Typhoon Tinom" anang ahensya.

Paniniguro pa ng Office of the Ombudsman, na pinakinggan daw nila ang panawagang mapanagot ang mga nasa likod ng palpak umanong flood control projects.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

Anila, "To the families of all victims of the calamity- we hear you, and we have acted."

Dagdag pa ng ahensya, "A special task force previously designated to investigate flood control projects has been instructed to prioritize those projects meant to prevent the onslaught of Typhoon Tino."

"Justice will be pursued with compassion, diligence, and resolve," giit ng Office of the Ombudsman.

Matatandaang nitong Biyernes din nang tangkaing sigurin ng grupo ng mga raliyista ang Office of the Ombudsman kung saan bahagyang silang nagkatulukan sa hanay ng pulisya.

Bitbit ng ilang mga demonstrador ang panawagang mapanagot ang mga korap na nasa likod ng korapsyon at anomalya sa flood control projects na kumikitil sa buhay ng mga naapektuhan ng malawakang pagbaha.