January 26, 2026

Home BALITA

‘Travel authority' ng ilang Cebu Mayors bago ang pananalasa ng bagyong Tino, pinutakti ng netizens

‘Travel authority' ng ilang Cebu Mayors bago ang pananalasa ng bagyong Tino, pinutakti ng netizens

Tinalakan ng ilang netizens ang umano'y larawan ng mga kopya ng travel authority ng ilang Cebu Mayors bago ang pananalasa ng bagyong Tino.

Sa nagkalat na kopya ng naturang travel authority, makikita na ilan sa mga alkaldeng umalis ng bansa ay sina: 

Tudela, Cebu Mayor Greman Solante- umalis patungong London noong (Nob. 1) at babalik sa (Nob. 7).

San Francisco, Cebu Mayor Alfredo Arquillano, Jr.- umalis patungong United Kingdom noong  (Nob. 1) at babalik sa (Nob. 7).

Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

Catmon, Cebu Mayor Avis Ginoo-Monleon- umalis patungong United Kingdom noong  (Okt. 31) at babalik sa (Nob. 7).

Compostela, Cebu Mayor Felikur Quino- umalis patungong London noong  (Nob. 1) at babalik sa (Nob. 7).

Liloan, Cabu Mayor Aljew Frasco - umalis patungong United Kingdom noong  (Nob. 1) at babalik sa (Nob. 7).

Pilar, Cebu Mayor Manuel Santiago - umalis patungong London noong  (Nob. 1) at babalik sa (Nob. 7).

Poro, Cebu Mayor Edgar Rama - umalis patungong London noong  (Nob. 1) at babalik sa (Nob. 7).

Kabilang din si Andrei Duterte na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa mga opisyal sa Cebu na umalis ng bansa patungong London noong Nob. 1 at nakatakdang bumalik sa Nob. 8.

Bunsod nito tila hindi naman naiwasan ng ilang netizens na benggahin sa comment sections ang nasabing mga alkalde.

"Cebu Mayors: Nothing beats a Jet 2 Holiday."

"The Yormes marked themselves safe."

"Kahit na September na approve yung travel authority dapat di na tumoloy kasi before the travel date nag announce na merong paparating bagyo."

"Alam nyo na kung sino ang hindi iboboto sa 2028,take note Cebu."

"Jusko mga taga Cebu kung di parin kayo natuto sa mga binoboto niyo ewan ko na lang sa inyo."

"Wow! Habang yung nasasakupan nila ay nagsasacrifice!"

"A point of view where our leaders escaping war."

"Flight is an admission of guilt."

"Salamat po dahil pinatunayan ninyong hindi na kayo dapat iboto. Hahahaha"

"Aguyyyy imbes tumulong eh nagawa pa mga magpakasaya sa ibang bansa."

Matatandaang idineklara na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang national state of calamity matapos padapain ng bagyong Tino ang iba’t ibang lalawigan sa Visayas partikular na ang Cebu.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund

Ayon sa pinakabagong tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na 152 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Tino.