Isang rider ang patay nang bumangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa isang konkretong poste sa Antipolo City noong Huwebes. Nobyembre 6, 2025.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa kawalan nito ng anumang identification card.
Batay sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Ortigas Extension, malapit sa Alta Vista Subdivision sa Brgy., Dela Paz, Antipolo City.
Nauna rito, minamaneho ang biktima ang isang Suzuki raider 150 na motorsiklo at binabagtas ang Ortigas Extension, patungong Taytay, nang pagsapit sa pakurbada at pababang bahagi ng kalsada ay mag-overshoot ito at bumangga sa konkretong poste sa gilid ng kalsada.
Sa tindi ng impact ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa sementadong kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Kaagad naman siyang naisugod sa Rizal Provincial Hospital Annex II ngunit dead on arrival na ito.