December 12, 2025

Home BALITA

OVP, nagpaabot ng tulong sa naapektuhang pamilya sa Cebu

OVP, nagpaabot ng tulong sa naapektuhang pamilya sa Cebu
Photo courtesy: OVP(FB)

Nagtungo ang Office of the Vice President sa lalawigan ng Cebu upang magpaabot ng tulog sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino. 

Ayon sa isinapublikong post ng OVP sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Nobyembre 7, makikita sa mga larawan ang pamamahagi nila ng bigas at canned goods para sa Talisay City, Cebu City, at Mandaue City. 

“Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu, kahapon, November 6, 2025,” pagsisimula nila. 

Photo courtesy: OVP(FB)

Photo courtesy: OVP (FB)

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

Pagpapatuloy pa nila, “Namahagi ang OVP Disaster Operations Center (OVP-DOC) ng kabuuang 1,177 RICE bags at canned goods sa mga residente ng Talisay City, Cebu City, at Mandaue City.” 

Anang OVP, kasabay ng pamamahagi nila ng bigas at canned foods ang pagde-deploy ng Kalusugan Food Truck (KFT) sa Danao City. 

“Kasabay nito, na-deploy din ang Kalusugan Food Truck (KFT) sa Danao City upang magbigay ng libreng mainit na pagkain sa mga pamilyang apektado ng bagyo,” pagtatapos pa nila. 

Matatandaang noong Martes, Nobyembre 4 nang bayuhin ng bagyong Tino ang rehiyon ng Visayas na nagpadapa sa ilang mga lalawigan kabilang na ang Cebu.

Nakataas na ang National State Calamity kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong": Marcos, Jr., matapos ang patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga nasawi. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) 188 na ang bilang ng nasawi, 135 ang nawawala at 96 ang sugatan.

MAKI-BALITA: 76 classrooms sa bansa, sinira ng bagyong Tino

Mc Vincet Mirabuna/Balita