Hindi napigilan ng netizens na balikan ang pahayag ng namayapang philantropist, environmentalist, at dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary na si Gina Lopez matapos hagupitin ng Bagyong Tino ang ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao, na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagkasira ng mga kabahayan sa mga probinsya.
Sa isang video na kumakalat sa mga social media, partikular din sa X, mapapanood ang kaniyang pahayag patungkol sa pagwasak ng kalikasan, na aniya’y nagdudulot ng pagdurusa sa mga mahihirap.
“If you kill the environment, you kill everything. 1/3 of the Filipino depends on our natural resources. Sino ang nagdudusa kapag winawasak 'yong kalikasan? Sino?! 'Yong mahihirap!” ani Lopez sa isang press conference matapos ibasura ng Commission on Appointments ang kaniyang pagkakatalaga bilang Environment Secretary noong 2017.
“And whose duty is it to protect the people? It’s the government. And when you make decisions based on business interests, you have shirked your responsibility. You have lost the moral ascendancy to rule the government because, to you, business and money is more important than the welfare of our people,” saad pa niya.
Kaugnay nito, hindi napigilan ng netizens na ipahayag sa kani-kanilang X posts ang kanilang saloobin at komento patungkol sa naturang pahayag ng dating kalihim ng ahensya.
“Daming nakaka alala kay late Gina Lopez ah. Iniisip ko ano ang reaksyon niya during this flood control issue and yung nangyari sa Cebu.”
“Ang duda ko talaga ginawa lang DENR Sec. si Gina Lopez to tank mining stocks and for these corporate shenanigans to scoop back discounted shares. If seryoso ang tatay ninyo sa convictions ni Ms. Gina, hindi niya ili-lift ang ban sa open-pit mining kahit wala na siya sa dept.”
“Ginawa nyong katawa-tawa si Gina Lopez noon, na mas mahalaga ang kita sa pagmimina. So asan na tayo ngayon?”
“Kung buhay pa si Ma’am Gina Lopez, sya ang pinaka malungkot sa mga baha”
“Kasi hindi kayo nakinig kay Gina Lopez noon, kaya ngayon taumbayan ang nagdusa”
“I remember this. Gina Lopez was doing so well, until mining companies pressured the then-Duterte administration to kick her out for posing as a threat to their environmentally-destructive activities.”
“Gina Lopez is one of a kind. A woman born with a silver spoon but has left the comforts of her home because of genuine service to humanity. May her legacy inspire all of us to be like her in our small little ways.”
“I’ll always share this video clip any chance I get because Gina Lopez is probably one of the most TOTGA government officials this country had.”
“Ms Gina Lopez was always right!”
“My personal environmentalist TOTGA, how I wish Madam Gina Lopez has nine lives to use for the conservation of Mother EARTH.”
Matatandaang naging kontrobersyal ang naging desisyon ni Lopez noong siya ay nanungkulan bilang Environment Secretary, matapos niyang iutos ang “closure” ng 23 large-scale mines sa bansa, habang 5 naman ang ipinasuspinde niya ang operasyon.
Vincent Gutierrez/BALITA