December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Nakakaawa!' Karen Davila, durog ang puso kapag nakikita pagdurusa ng taumbayan dahil sa korupsiyon

'Nakakaawa!' Karen Davila, durog ang puso kapag nakikita pagdurusa ng taumbayan dahil sa korupsiyon
Photo Courtesy: Karen Davila (FB), Rey (unknown02frfrfrfrfrfrfr)/TikTok

Naghayag ng saloobin si Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila sa gitna ng tumataas na bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Tino.

Sa X post ni Davila nitong Martes, Nobyembre 7, sinabi niyang nadurog umano ang puso niya nakikita ang pagdurusa ng taumbayan dahil sa sistematikong korupsiyon.

Aniya, “Extreme weather conditions will only worsen. It is a part of the world we live in today. What breaks my heart is seeing how our people are suffering because of systemic corruption.”

Dagdag pa ni Davila, “Nakaka-awa ang ordinaryong Pilipino. Habang nagdurusa sa hirap at kalamidad, maraming pulitiko naliligo sa nakaw na yaman. “

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Matatandaang ayon sa 6:00 AM report ng Office of Civil Defense (OCD) nito ring Biyernes, umabot na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa hagupit ni Tino sa rehiyon ng Visayas at ilang parte ng Mindanao, habang 135 naitalang mga nawawala at 96 ang mga nasugatan.

Maki-Balita: Mga nasawi sa bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 188; mga nawawala, nasa 135 na