Isang magnitude 4.7 na lindol ang yumanig sa Pangasinan nitong Biyernes ng tanghali, Nobyembre 7, 2025, ayon sa PHIVOLCS.
Ayon sa ahensya, naganap ang lindol kaninang 1:23 PM sa Dasol, Pangasinan. May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala rin ng PHIVOLCS ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV - Bani, Pangasinan
Intensity II - Dagupan City; Lingayen, Pangasinan
Intensity I - Bolinao, Pangasinan; Iba, Zambales
Gayunpaman, wala raw inaasahang aftershocks at pinsala.