Patay ang magkaangkas na live-in partner matapos silang masagasaan ng bus sa Misamis Oriental.
Ayon sa mga ulat, nakabangga muna umano ng tumatawid na aso ang magkasintahan na siyang naging dahilan ng kanilang pagtumba sa kalsada.
Matapos sumemplang sa kalsada, tumilapon ang magkasintahan sa kabilang lane ng kalsada kung saan paparating ang isang pampasaherong bus at nagulungan silang dalawa.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dead on the spot nasabing mag-live in partner.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng bus. Samantala, nilinaw din ng Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) na kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang kompanya ng bus sa mga kaanak ng mga biktima.
Patuloy din ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung mayroon bang nagmamay-ari sa asong nabangga ng mga biktima. Ayon sa pulisya posible raw kasing maharap sa paglabag sa Animal Welfare Act ang fur parent ng nasabing aso.
Mahigit din daw ang pananagutan ng posibleng nagmamay-ari sa aso upang mapigilan na makapaminsala ito o mapinsala ng iba.