December 12, 2025

Home BALITA

Kahit wala pa sa PAR: Wind signal no. 1, nakataas na sa paparating na Bagyong 'Uwan'

Kahit wala pa sa PAR: Wind signal no. 1, nakataas na sa paparating na Bagyong 'Uwan'
DOST-PAGASA

Patuloy na lumalakas ang severe tropical storm "Uwan" kahit na ito ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). 

Base sa 5:00 PM weather bulletin ng PAGASA nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 7, ito ay inaasahang papasok kung hindi mamayang gabi ay bukas ng umaga, Sabado, Nobyembre 8.

Huling namataan ang bagyong Uwan sa layong 1,175 kilometers East of Eastern Visayas. Kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 135 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-westward sa bilis na 25 kilometers per hour.

National

Anti-political dynasty bill, mas magandang hindi dapat madaliin—Palasyo

Bagama't nasa labas pa nga ng bansa, nagtaas na ng tropical cyclone wind signal no. 1 ang PAGASA sa ilang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Luzon:
Southeastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Calauag, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco)
Eastern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang)
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate 

Visayas:
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern at central portions ng Cebu (Medellin, Daanbantayan, City of Bogo, Tabogon, San Remigio, Tabuelan, Borbon, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cordova, Asturias, Cebu City, Balamban, City of Talisay, Toledo City, Minglanilla) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
Northeastern portion of Bohol (Getafe, Talibon, Buenavista, Trinidad, San Miguel, Ubay, Alicia, Mabini, Bien Unido, Pres. Carlos P. Garcia)
Northern portion ng Negros Occidental (City of Escalante, Toboso, Sagay City, Cadiz City, Calatrava, Manapla)
Northeastern portion ng Capiz (President Roxas, Pilar, Panay, Pontevedra)
Northeastern portion ng Iloilo (Carles, Estancia, Balasan, San Dionisio, Concepcion, Batad, Sara, Ajuy)

Mindanao:
Dinagat Islands
Surigao del Norte

Samantala, inaasahang lalakas bilang "super typhoon" si Uwan sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Inaasahang magla-landfall ito sa Southern portion ng Isabela o sa Northern portion ng Aurora sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.