December 11, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagluluksa para sa atin

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagluluksa para sa atin
Photo courtesy: Freepik

“Dapat di ka nalulungkot, Kristiyano ka hindi ba?”

Narinig niyo ba ‘tong tanong na ‘to? 

Kadalasan, ang tingin ng marami sa pagiging Kristiyano ay hindi na dapat makakaramdam ng ibang emosyon bukod sa saya.

Habang hindi madali ang buhay, habang may lungkot at pang-aasam tayong nararamdaman, may panghahawakan tayo na ang presensya ng Panginoon ang ating lakas na magpatuloy sa araw-araw. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: ‘Friends for keeps?’ Mga mabuting kaibigan, galing din sa Panginoon

Gaano man kabigat, gaano man kahaba ang mga gabi, hindi ka mag-iisa dahil kasama mo Siya (1 Pedro 5:7). 

Ang grasya Niya ang tutulong para harapin ang bawat araw at makabangon muli (Mga Awit 73:26).

Huwag kang susuko! Dahil pinagpapala ng Diyos ang mga nagdadalamhati (Mateo 5:4). 

Tandaan na sa pagiging tao, hindi nawawala ang bugso ng mga lungkot at paghihinagpis, pero maniwala kang naramdaman Niya ito, at Siya rin ay nasasaktan para sa atin. 

Nang bumaba si Hesus sa mundo, Siya ay nakaramdam din ng iba’t ibang emosyon, kagaya ng pagkalungkot at pagtangis dahil sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan na si Lazarus. (Juan 11:35). 

Kaya’t tinitiyak Niya sa Kaniyang salita na sa kapighatian at mga pagsubok sa mundo, sa Ngalan Niya, mapagtatagumpayan natin ito (Juan 16:33).

Sean Antonio/BALITA