January 25, 2026

Home BALITA

Ilang socmed post ng Monterrazas de Cebu, binaha ng negatibong komento mula sa netizens

Ilang socmed post ng Monterrazas de Cebu, binaha ng negatibong komento mula sa netizens
Photo courtesy:Monterrazas de Cebu/FB

Umabot na Facebook page ng ngayo'y kontrobersiyal na residential landscape project na Monterazzas de Cebu ang ilang sentimyento ng netizens hinggil sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cebu bunsod ng bagyong Tino.

Bagama't Oktubre 30, 2025 pa ang huling FB post ng nasabing page, mapapansin ang pagsulpot ng iba't ibang komento ng netizens hinggil sa sinapit ng Cebu.

"Malas ang bibili dito!"

"Buang yung engineer na gumawa nito dahil hindi lapat sa lupa at nakaapekto pa sa buhay ng mga cebuano na binaha dahil sa proyektong ito."

PH embassy, nilinaw na walang nakasamang Pinoy sa landslide sa Indonesia

"Sinira nyo ang bundok! Dahil sa inyo maraming namatay!!!"

"Eh paano naman yung mga naagrabyado nyo? Sila hindi safe."

"How many trees did u kill in order to build these houses?"

"Sinira nyo ang kalikasan. Gusto nyo pagkakitaan. O ano nangyari? Bumaha."

"Sa mga bibili dito mag-isip kayo. Kung may konsensya man kayo."

"Hindi ibig sabihin naka-secure ng permit, tama at regular lahat. ibig lang sabihin, may pera pang lagay."

"Dapat makuwestiyon din kayo!"

Matatandaang nauna nang binakbakan ng netizens ang engineer ng nasabing proyekto na si Slater Young.

Ayon sa post ng mga nagngingitngit na netizens, espekulasyon nilang isa sa mga naging dahilan ng malubhang pagbaha, ay marami umanong mga puno ang pinutol sa nabanggit na bundok para sa proyekto, bukod pa sa iba pang isyu gaya ng deforestation, umano'y posibleng poor sewage systems, weak city planning, climate change, disiplina sa basura, at pagtaas ng bilang ng populasyon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kasalanan ng project?' Slater Young pinanggigilan, sinisi sa pagbaha sa Cebu

Samantala, bagama’t hiningi na ng Balita ang panig ng Monterrazas de Cebu, ay wala pa silang inilalabas na pahayag tungkol dito habang isinusulat ang artikulong ito.