December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Ilang residente sa Iloilo, 8 oras nagtago sa loob ng steel pipe dahil kay ‘Tino’

Ilang residente sa Iloilo, 8 oras nagtago sa loob ng steel pipe dahil kay ‘Tino’
Photo courtesy: Jimenez Vlog Ng Calinog (FB)

Sumilong ng walong oras sa loob ng steel pipe ang dalawang pamilya mula Calinog, Iloilo, para palipasin ang malakas na bugso ng ulan at hangin dala ng bagyong “Tino.” 

Base sa mga litrato na naka-post sa Facebook account ng netizen na si Rex Jimenez, kasama sa paglikas ng dalawang pamilya sa steel pipe ang ilan sa mga gamit nila na nakalagay sa malalaking container, na nakatulong para tumagal sila dito mula umaga hanggang hapon. 

Sa eksklusibong panayam kay Jimenez, isa sa mga taong nagpalipas ng bugso ng bagyong “Tino” sa loob ng steel pipe, ibinahagi niyang nanatili sila rito mula 6 AM hanggang 2 PM noong Martes, Nobyembre 4.

Ang dalawang pamilya rin daw ay binubuo ng siyam na katao kabilang ang kaniyang asawa, anak, nanay, kapatid, at dalawang pamangkin.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Nilinaw din niya na bagama’t may malapit na evacuation center sa barangay hall nila, pinili nilang agad magtago sa steel pipe dahil mas malapit ito sa bahay nila, at sa pag-aalalang abutan ng paglakas ng bagyo sa daan.

“Mayroon po sa barangay hall namin at school [evacuation center]. Kaso mas pinili na lang namin doon [steel pipe] para malapit lang sa bahay namin if ever lumakas ang bagyo, matibay naman at safe,” saad ni Jimenez. 

Matapos ang walong oras, laking-pasasalamat ni Jimenez dahil kahit na gawa sa kawayan ang bahay nila, ay maayos pa rin ito matapos ang pagdaan ng bagyong “Tino.” 

“Sa awa ng Diyos at sa panalangin kahit kawayan lang bahay namin okay Naman kahit papaano,” pagpapasalamat ni Jimenez. 

Sean Antonio/BALITA