December 17, 2025

Home BALITA

Ilang barko ng China namataang umalis sa Panatag Shoal bunsod ng bagyong Tino

Ilang barko ng China namataang umalis sa Panatag Shoal bunsod ng bagyong Tino
Photo courtesy: via SeaLight

Namataan ang ilang barko ng China na unti-unti umanong umalis sa Panatag Shoal o mas kilalang Scarborough Shoal sa pagdaan ng bagyong Tino palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025.

Ayon kay SeaLight director Ray Powell, tinatayang apat na barko ng Chinese Coast (CCG) ang nasa Panatag Shoal kung saan dalawa ang nakitang nagtungo paalis ng Luzon na may layong 40-45 nautical miles habang dalawa ang bigla na lamang umanong nawala.

"They appear to be positioning to escape the worst of the weather" ani Powell.

Matatandaang noong Martes, Nobyembre 4 nang bayuhin ng bagyong Tino ang rehiyon ng Visayas na nagpadapa sa ilang mga lalawigan kabilang na ang Cebu. 

Metro

Prusisyon ng Nazareno, nauwi sa rambol; menor de edad, nanaksak!

Nakataas na ang National State Calamity kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong": Marcos, Jr., matapos ang patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga nasawi. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) 188 na ang bilang ng nasawi, 135 ang nawawala at 96 ang sugatan. 

Maki-Balita: ‘Travel authority' ng ilang Cebu Mayors bago ang pananalasa ng bagyong Tino, pinutakti ng netizens