Binengga ng aktor na si Albie Casiño ang engineer at "Pinoy Big Brother: Unlimited" Big Winner na si Slater Young dahil sa pananahimik umano nito sa gitna ng pinsalang naidulot umano ng proyekto niya sa Cebu.
Sa Instagram story ni Albie nitong Biyernes, Nobyembre 7, hinihingan niya ng komento si Slater para ipaliwanag ang panig nito, kalakip ang isang ulat ng ABS-CBN News tungkol sa sinabi ni Slater sa kaniyang proyektong "Monterrazas de Cebu.”
[Slater], comments? Many people were commenting that this would happen on your post as long as 115 weeks ago. Looks like they were spot on,” saad ni Albie.
Dagdag pa niya sa isang hiwalay na IG Story, “Check comments. I thought you were listening to feedback? Seems like you're awfully quiet now, bud [Slater].”
Matatandaang sa gitna ng hagupit ng bagyong Tino, sinalanta ng hate comments si Slater dahil ang Monterrazas de Cebu ang itinuturong dahilan ng matinding pagbaha sa Cebu.
Maki-Balita: 'Kasalanan ng project?' Slater Young pinanggigilan, sinisi sa pagbaha sa Cebu
Nauna nang ibinida ni Slater ang proyektong ito sa kaniyang vlog noong Agosto 2023. Sinagot na rin niya ang tungkol dito matapos siyang kuwesityunin.
“This is just a small, small portion of the mountain, at the foot of the mountain,” saad ni Slater.
Dagdag pa niya, "This only has 146 units. So, very exclusive ito. Of course, it's still big, no doubt about it. But hindi siya yung buong bundok. It's just the side of a mountain. And even if you go to Google Earth and you look at that site, wala kayong makikita na forest there."
KAUGNAY NA BALITA: Slater Young pumalag sa akusasyong government contractor, nakinabang sa buwis ng taxpayers
Samantala, sinubukan ng Balita na hingin ang panig ni Slater hinggil sa nasabing isyu ngunit wala pa siyang ibinibigay na tugon.