December 12, 2025

Home BALITA

Engot lang maniniwala! Torre, pinabulaanang sinisi si VP Sara sa pagbaha sa Cebu

Engot lang maniniwala! Torre, pinabulaanang sinisi si VP Sara sa pagbaha sa Cebu
Photo Courtesy: Nicolas Torre III, AFP (FB), via MB

Binuweltahan ni dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III ang kumakalat na balita tungkol sa umano’y panininisi niya kay Vice President Sara Duterte at sa iba pang opisyal dahil sa nangyaring pagbaha sa Cebu.

Sa isang Facebook post ni Torre noong Huwebes, Nobyembre 6, tinawag niyang “100% fake news” at “malicious propaganda” ang nasabing balita.

“The post claiming that I blamed VP Sara Duterte and other officials for the flooding in Cebu is 100% FAKE NEWS and MALICIOUS PROPAGANDA,” saad ni Torre.

Dagdag pa ng dating hepe, “Only the gullible and the stupid will believe such trash without checking the facts. This is a pathetic attempt to twist my name and distract from the real work we’re doing on the ground.”

National

Anti-political dynasty bill, mas magandang hindi dapat madaliin—Palasyo

Ayon kay Torre, nakapaghanda na umano sila para magkasa ng mga relief operation sa Cebu at Leyte na lubhang naapektuhan ng bagyong Tino.

“To the fake news operators — mahiya naman kayo. Huwag n’yo nang dagdagan ang paghihirap ng mga nabiktima. To the public — verify before you share. Don’t let lies win,” pahabol pa niya.

Matatandaang umakyat na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa hagupit ni Tino sa rehiyon ng Visayas at ilang parte ng Mindanao, habang 135 naitalang mga nawawala at 96 ang mga nasugatan, ayon sa 6:00 AM report ng Office of Civil Defense (OCD) nito ring Biyernes.

Maki-Balita: Mga nasawi sa bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 188; mga nawawala, nasa 135 na