Naghayag ng sentimyento ang aktres na si Ellen Adarna sa gitna ng idinulot na trahedya ng bagyong Tino sa probinsya ng Cebu.
Sa Instagram story ni Ellen noong Huwebes, Nobyembre 6, pinuntirya niya ang mga kaibigan at kapamilyang may kaugnayan sa mga korap na politiko at contractor.
Anang aktres, “Since I have a handful of friends/family who are associated with corrupt politicians and contractors...how many of us still turn a blind eye to corruption because it's ‘family’ or ‘friends’?”
“Have you taken a stand and cut ties with these individuals/families?” pagpapatuloy niya. “Or do we just keep pretending like nothing's wrong... laughing, beso diri ug didto and showing up to their extravagant million-peso parties when invited?”
Dagdag pa ni Ellen, “I'm seeing a lot of posts because Filipinos are upset and want accountability, but as soon as you all get invited to their parties and gatherings, you all still show up.
Kaya naman umapela siya na putulin na ng mga ito ang anomang koneksyon sa mga korap.
“Cebu is so small that we know who the corrupt ones are,” sabi niya. “Cut ties with these mfs!!!!!!!!!”
Ayon sa 6:00 AM report ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes, Nobyembre 7, umabot na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa hagupit ni Tino sa rehiyon ng Visayas at ilang parte ng Mindanao, habang 135 naitalang mga nawawala at 96 ang mga nasugatan.
Maki-Balita: Mga nasawi sa bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 188; mga nawawala, nasa 135 na
Matatandaang si Ellen ay tubong Cebu. Anak siya ng mag-asawang Miriam Go at Alan Modesto Adarna na nagmamay-ari ng Queensland Hotel sa Cebu, Davao, at Metro Manila.