December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Bong Go, inaapura nat'l government: ‘Ibigay agad ang mga ayuda!’

Bong Go, inaapura nat'l government: ‘Ibigay agad ang mga ayuda!’
Photo Courtesy: Bong Go (FB), via MB

Umapela si Senador Bong Go sa national government para maibigay ang agarang tulong sa mga residente ng Cebu na apektado ng malakas na buhos ng ulan.

Sa latest Facebook post ni Go nitong Biyernes, Nobyembre 7, sinabi niyang marami umanong apektado ng malakas na buhos ng ulan sa nasabing probinsiya.

“Grabe po ang buhos ng ulan dito sa Cebu. Marami po ang apektado. Ako po ay nakikiusap sa national government. Nasa inyo ang mga resources. Ibigay agad ang mga ayuda,” saad ni Go.

Dagdag pa niya, “Importante rito ang restoration of normalcy. Kaagad na makabalik sa normal na pamumuhay ang ating mga kababayan.”

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Matatandaang umakyat na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa hagupit ni Tino sa rehiyon ng Visayas at ilang parte ng Mindanao, habang 135 naitalang mga nawawala at 96 ang mga nasugatan, ayon sa 6:00 AM report ng Office of Civil Defense (OCD) nito ring Biyernes.

Maki-Balita: Mga nasawi sa bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 188; mga nawawala, nasa 135 na