December 13, 2025

Home FEATURES

#BalitaExclusives: 2 lalaki, matapang na iniligtas 2 pamilyang na-trap sa isang sasakyan, matandang babae sa gitna ng baha sa Cebu

#BalitaExclusives: 2 lalaki, matapang na iniligtas 2 pamilyang na-trap sa isang sasakyan, matandang babae sa gitna ng baha sa Cebu
Photo courtesy: Rey (unknown02frfrfrfrfrfrfr)/TikTok


Matapang na tinulungan ng dalawang lalaki ang ilan sa kanilang mga kapitbahay sa gitna ng mataas na bahang dinulot ng Bagyong Tino sa Liloan, Cebu kamakailan.

Sa isang TikTok post na ibinahagi ni Justine Rey Tejada noong Huwebes, Nobyembre 6, makikitang sinaklolohan nila ng kaniyang kapatid ang ilan sa kanilang mga kapitbahay, matapos ma-trap ng mga ito sa mataas na baha sa kanilang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Justine Rey Tejada nitong Biyernes, Nobyembre 7, adrenaline na umano ang nagtulak sa kaniya at sa kaniyang kapatid na si Zen Ray Tejada, upang tulungan ang kanilang mga kapitbahay. Aniya, hindi raw nila kayang tingnan na lang ang mga ito na malunod sa malakas na agos ng baha.

“I can’t just stand and watch them drowning parang adrenaline nalang yung nag push sa akin tsaka yung mga bata nasa unang Isip ko kaya wala na akong na feel na kaba or ano and kami lang yung marunong lumangoy that time puro kase bata mga kalapit na bahay we’re doing our part nalang din sobrang nakakatrauma po talaga yun,” ani Justine.

Inilahad niyang dalawang pamilya ang tinulungan niya na na-trap sa isang sasakyan sa gitna ng baha.

“Kapit bahay po namin sila two families po yun naki angkas sila sa pick up ng kalapit na bahay nila. 9 po if u could see the first clip limang bata apat na adults,” aniya.

Liban sa pamilyang na-trap, tinulungan din daw nila ang isang matandang babae sa kabilang bahay, na wala umanong “manpower” na maaaring sumaklolo rito.

“Almost second floor level na po at pataas ng pataas kay its alarming nakikita po kase namin yung matanda sa kabilang bahay may matanda po kasing nahirapan dun sa kabila walang manpower to carry her sa mataas na lugar tas kabilang bahay two blocs sa pinag stayhan nila naman sinabihan ko yung na trap din pag tataas na yung tubig tas level na sa second floor dun ko na sila mahihila sa lubid buti nalang hindi umabot ng second floor mismo,” ani Justine.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Matapos daw ang isinagawa nilang pag-rescue sa mga kapitbahay, binigyan umano nila ang mga ito ng jacket at damit na panlaban ng mga ito sa lamig.

“Binigyan po namin sila ng spare jackets and clothes kase sobrang lamig po that time tas naka ready na po yung mga lubid tas akyatan papuntang roof incase tataas pa yung tubig,” saad pa niya.

Bilang sukli, nagpasalamat naman daw ang mga tinulungan nila. Anila, hindi raw nila masusuklian ang ginawang pagsagip sa kanila.

“Nagpasalamat po sila sa amin di daw masuklian yung ginawa pag sagip sa kanila kase di daw nila kaya madala lahat ng mga bata nag chat nadin lahat relatives tsaka yung mga kaanak nila saken that time nagpapasalamat di daw nila akalain ganyan mangyayari sa pamangkin tsaka kapatid nila,” paglalahad niya.

Ibinahagi ni Justine ang kaniyang “takeaway” matapos maranasan ang mataas na baha dulot ng naturang bagyo.

“My takeaway as of now is frustration, galit we could’ve prevented this if these leaders really lead for the people ang daming nag dusa sa ghost projects ng mga eto. Hindi nila iniisip yung mga bata na gusto pang mabuhay dile nila narinig yung mga batang nag iiyakan mga taong makikita mong patay na yan napasakit talaga and I will forever hold my grudges against them,” pagtatapos niya.

Vincent Gutierrez/BALITA