December 12, 2025

Home BALITA

Wind signal no. 5, posible sa pagtama ng 'super typhoon'

Wind signal no. 5, posible sa pagtama ng 'super typhoon'
DOST-PAGASA

Hindi inaalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na itaas sa tropical cyclone wind signal no. 5 ang ilang lugar na dadaanan ng "super typhoon" sa oras na manalasa ito.

Sa 11:00 PM weather bulletin ng PAGASA nitong Huwebes, Nobyembre 6, huling namataan ang tropical storm Fung-Wong sa layong 1,550 kilometers East of Northeastern Mindanao, sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometer per hour at pagbugsong 105 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.

Samantala, inaasahang papasok ng PAR ang bagyo bilang "typhoon" sa Biyernes ng gabi (Nobyembre 7) o Sabado ng madaling araw (Nobyembre 8) at kalaunan ay magiging "super typhoon." 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Papangalanan itong "Uwan," ang ikalawang bagyo ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa PAGASA, maglalabas sila ng wind signals sa eastern portion ng Luzon at sa ilang probinsya ng Samar bukas ng umaga o tanghali, o sa Sabado ng umaga.

Posible ring itaas sa wind signal no. 5 ang ilang lugar na madadaanan ng bagyo.

"The highest possible Wind Signal for the current forecast scenario is Wind Signal No. 5. Deterioration of weather condition may begin on Sunday (09 November)," anang PAGASA.

Dagdag pa nila, "Potentially life-threatening stormy conditions may occur over Northern Luzon and portions of Central Luzon on Monday (10 November) and Tuesday (11 November)."

"There is also a potential for high storm surge risk and related coastal flooding, especially in Northern Luzon and the east coast of Central Luzon. Storm surge warnings may be issued as early as Saturday."

Kaya naman pinapayuhan ng weather bureau ang publiko na maghanda at mag-monitor sa mga update tungkol sa bagyo.