December 18, 2025

Home BALITA

'This is not epal!' Picture ng relief truck ng 'Team Bato' sa Cebu, ipinagtanggol ni Sen. Bato

'This is not epal!' Picture ng relief truck ng 'Team Bato' sa Cebu, ipinagtanggol ni Sen. Bato
Photo courtesy: Ronald Bato Dela Rosa/FB

May nilinaw si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa hinggil sa relief operation ng kaniyang kampo sa Cebu.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 6, 2025, isang larawan ng relief truck ang binigyang-linaw ng senador.

“This is not epal because I am not claiming this to be mine,” anang senador.

Saad pa niya, “This is a group effort of our supporters from Mindanao: Davao, Bukidnon and Cagayan de Oro who traveled to Cebu to deliver whatever small help we can give to the flood victims.”

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

Makikita sa nasabing larawan ang puting truck na may tarpaulin na may mga nakalagay na, “Para sa katawhan sa Cebu. TEAM BATO. Operation Tabang.”

Samantala, kaugnay nito, makikita rin sa pinakabagong FB post ng senador na nagtungo siya sa isang evacuation center sa Mandaue City.

“Brgy Opao Evacuation Center, Mandaue City. Ang Senador nga nibisita Opao pud,” saad sa caption.