December 13, 2025

Home BALITA

SSS members sa Cebu na apektado ni 'Tino,' pwede mag-avail ng calamity loans

SSS members sa Cebu na apektado ni 'Tino,' pwede mag-avail ng calamity loans
MB file photo

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na puwedeng mag-avail ng Calamity Loan Program (CLP) ang mga miyembro nila sa Cebu na naapektuhan ng Bagyong "Tino." 

Ito ay magsisimula ngayong Nobyembre 6, 2025 hanggang Disyembre 5, 2025.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes de Claro na ang CLP ay nagbibigay agarang access sa mga emergency fund para sa mga kwalipikadong miyembro ng SSS sa Cebu.

“We understand how life-changing the devastation brought by Typhoon Tino is to workers and their families in Cebu. Our priority is to provide immediate, accessible support to help them get back on their feet,” saad ni De Claro.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Sa ilalim ng CLP, puwedeng mag-loan ng hanggang "P20,000 at 7% interest rate with repayment period of 24 months" ang mga kwalipikadong miyembro.

Maaaring ipadala ang aplikasyon online sa pamamagitan ng My.SSS facility.

Narito ang major requirements:
- Residing or working in an area declared under State of Calamity;
- Have at least 36 monthly contributions - six of these must be posted within 12 months preceding the month of filing. Individually paying members must have paid at least six contributions under their current membership type;
- Have an online account with SSS (My.SSS) to file an online application;
- No past due loan accounts and no outstanding restructured loans;
- Not have been granted any final benefit;
- Of legal age and under 65 years of age at the time of the loan application; and
- Have not been disqualified due to fraud committed against the SSS.

Samantala, umabot na sa mahigit-kumulang 114 na katao ang nasawi at 127 na nawawala sa rehiyon ng Visayas, ayon sa Office of Defense (OCD), nito ring Nobyembre 6. 

Ang mga talang ito ay inaasahan pang tataas dahil sa patuloy na imbestigasyon at validation ng ahensya. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga nasawi sa Bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 114; malaking bilang, galing sa Cebu!