December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Payo ni Kuya Kim sa mga magulang: 'Let's all listen to our kids!'

Payo ni Kuya Kim sa mga magulang: 'Let's all listen to our kids!'
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT)/Emman Atienza (IG)

Nagbigay ng mensahe si GMA Network trivia master at TV host Kuya Kim Atienza sa lahat ng mga magulang, kaugnay sa kinasaputan ng namayapang anak na si Emman Atienza.

Sa inilabas na ulat ng TV Patrol mula sa naganap na eulogy para kay Emman, sinabi ni Kuya Kim na mahalagang pinakikinggan ng mga magulang ang mga anak nila upang nache-check din ang mental health ng mga bata.

"Let's all listen to our kids and let's spend time with them and bond with them, and put ourselves in their place," aniya.

Giit pa ni Kuya Kim, iba ang pag-iisip ng mga anak sa magulang kaya huwag ikukumpara.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Iba ang kanilang pag-iisip. Ilagay po natin ang ating sarili sa kanilang lugar ngayon at huwag nating ikukumpara sa sarili natin," saad pa niya.

Matatandaang gumulantang ang balita ng pagkamatay ng artist ng Sparkle GMA Artist Center at TikTok star noong Oktubre 22.

Sa panayam ni Kuya Kim sa kasamahang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho, isinalaysay ni Kuya Kim ang ilang detalye, ilang araw bago ang araw ng pagkamatay ng anak.

"Emman texted her mommy. Sabi niya, 'Mom, I'm in an emergency right now but worry not. There's no self-harm. But I need to go to a therapy center.'"

"So iyon ang message namin. So we knew there was something wrong. We tried calling her, hindi sumasagot. And then the next day we tried calling her again, hindi na naman sumasagot. So I knew. I was in the Philippines, Fely was in Florida. Mayroon siyang pickleball championship, eh. Buti nasa America na siya when that happened, 'no? But I was waiting here."

"And then on the second day, I woke up in the morning, may message si Fely. 'I have terrible, terrible news.' I knew already. Napaluhod ako, nanlambot ang tuhod ko. Sabi ko, 'Lord, heto na.' So I called Fely, and Fely said, 'Emman's gone.'"

"Nanlambot ako, nanlamig ako. And ang nasa utak ko, 'Lord, dasal ko sa yo 'to araw-araw. Why?'"

Agad daw lumipad mula Florida patungong Los Angeles ang misis, at siya naman ay nakalipad mula Pilipinas patungong LA makalipas ang dalawang araw.

KAUGNAY NA BALITA: Kuya Kim mas kayang tiisin cancer kaysa mawalan ng anak: 'Pero mamatayan ka ng anak, masakit!'