Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Negros Oriental ngayong Huwebes ng gabi, Nobyembre 6, ayon sa PHIVOLCS.
Sa tala ng PHIVOLCS, naganap ang lindol bandang 7:33 ng gabi sa Basay, Negros Oriental. May lalim itong 34 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang instrumental intensity I sa Sipalay, Negros Occidental.
Samantala, walang inaasahang aftershocks at pinsala matapos ang lindol.