December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Mga nasawi sa Bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 114; malaking bilang, galing sa Cebu!

Mga nasawi sa Bagyong ‘Tino,’ umakyat na sa 114; malaking bilang, galing sa Cebu!
Photo courtesy: Cebu Province (FB), Armed Forces of the Philippines (FB)

Pumalo na sa mahigit-kumulang 114 na katao ang nasawi sa pananalanta ng bagyong “Tino” sa rehiyon ng Visayas, ayon sa tala ng Office of Defense (OCD) nitong Huwebes, Nobyembre 6. 

Inaasahan pa ng OCD na tataas ang bilang na ito dahil sa 127 pang tala ng mga nawawala, kung saan, 65 dito ay mula sa Cebu. 

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang probinsya ng Cebu ang bumubuo sa malaking bilang ng mga nasawi, sa talang 71, na sinundan ng Negros Occidental na mayroong 18 bilang, at 12 naman sa Negros Oriental. 

Dalawang katao naman ang naiulat na namatay sa Southern Leyte, at tig-iisa sa mga probinsya ng Antique, Capiz, Iloilo, Bohol, at Leyte. 

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Sa rehiyon ng Mindanao, anim na katao ang kumpirmadong namatay, na posibleng mula sa helicopter na bumagsak sa Agusan del Sur. 

82 na katao naman ang naitalang nasugatan–69 dito ay mula sa Cebu, pito ay mula sa Negros Occidental at Surigao del Norte, at tig-isa mula sa Southern Leyte at Surigao del Sur. 

Sa kabilang banda, higit 9,000 police personnel at 300 mobiles ang ipinadala ng Philippine National Police (PNP) para mas palawigin ang search and rescue operations, at tumulong sa mga evacuation, rescue operation at humanitarian assistance sa mga probinsyang nasalanta ng Bagyong “Tino.” 

Sean Antonio/BALITA