December 12, 2025

Home BALITA National

'May pondo tayo!' Palasyo, 'di nagpasaklolo sa ibang bansa dahil sa bagyo

'May pondo tayo!' Palasyo, 'di nagpasaklolo sa ibang bansa dahil sa bagyo
Photo courtesy: RTVM/YT


Itinanggi ng Malacañang na nananawagan ang Pilipinas ng foreign assistance mula sa ibang bansa, bunsod ng paghagupit ng Bagyong Tino sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, Nobyembre 6, nilinaw ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro na may pondo ang bansa hinggil sa mga ganitong sitwasyon.

“Wala po na call for any foreign assistance dahil sa ngayon po, mayroon po pa tayong pondo para sa ganitong mga klaseng sitwasyon po,” ani Usec. Castro.

“May mga quick response funds po ang mga frontline agencies na mare-replenish po, at kung ito po ay kukulangin, lalong-lalo na po sa mga LGUs, makakaasa po sila na sila po ay bibigyan po ng tulong mula sa Office of the President (OP), 'yong tinatawag po nating Local Government Support Funds,” karagdagan pa niya.

Isiniwalat naman ng press officer na nagpadala ng tulong ang mga bansang Australia, Canada, at USA, ngunit mariin ang pagtanggi nitong nagpapasaklolo ang Pilipinas sa ibang bansa.

“Pero sa ngayon po, among the ASEAN +1 partners, maliban po sa mga nabanggit na bansa, nagpaabot na rin po ng pagtulong o readiness ang bansang Australia, Canada, at USA, para po sa pag-assist in our recovery efforts on the ground. Pero sa ngayon po, hindi po tayo nananawagan para sa foreign assistance,” saad ng press officer.

Vincent Gutierrez/BALITA

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes