December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Mangingisda, nailigtas matapos ma-stranded ng 18 oras sa gitna ng dagat!

Mangingisda, nailigtas matapos ma-stranded ng 18 oras sa gitna ng dagat!
Photo courtesy: Agutaya MDRRMO (FB)

Nailigtas ang isang 63-anyos na mangingisda sa dalampasigan ng Agutaya, Palawan, matapos itong ma-stranded ng 18 oras sa gitna ng dagat. 

Ayon sa Facebook post ng Agutaya Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mangingisda ay nakilalang si Eddie Magalona, na residente ng Sitio Tabunan, Brgy. Suba Cuyo, Palawan.

Batay sa impormasyon na nakalap ng MDRRMO, si Magalona ay lulan ng bangka na may mga pinturang dilaw at asul, at may pangalang “Jhusmer.” 

Ayon pa sa kanilang impormasyon, pumalaot si Magalona mula sa Cuyo, noong Martes, Nobyembre 4, bandang 9:00 PM, sa kagsagsagan ng paghagupit ng bagyong “Tino” at narespondehan na sa Agutaya, noong Miyerkules, Nobyembre 5, bandang 3:00 PM. 

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Matapos ang pagsasagawa ng rescue and initial assessment ng baranggay officials at iba pang ahensya sa Agutaya, natiyak nilang maayos ang kalagayan ni Magalona. 

Kasalukuyan na rin siyang nasa pangangalagan ng LGU (local government) ng munisipalidad para sa karagdagang tulong at koordinasyon sa pamilya. 

Sean Antonio/BALITA