Tila hindi umano nadadala si Navotas City lone district Rep. Toby Tiangco sa sinabing dahilan ng legal counsel ni dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co na may pagbabanta raw sa buhay niya kaya hindi siya makabalik sa bansa.
“Like I said, he’s deathly afraid of coming home because may serious threats to his life,” saad ni Atty. Ruy Rondain sa press briefing nila noong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta
Ayon naman sa isinagawang press conference ni Tiangco nitong Huwebes, Nobyembre 6, isa sa binigyang-pansin niya ang naging pahayag ni Rondain kaugnay sa mga natatanggap daw na pagbabanta sa buhay ni Co.
“One thing is very clear doon sa kaniyang press statement, walang balak bumalik si congressman Zaldy Co para harapin ‘yong mga kaso,” pagsisimula ni Tiangco.
Matagal na raw niyang “nahahalata” na umiiwas si Co sa mga kasong kailangan niyang harapin.
“Even before nag-resign siya sa [House of Representative], sabi ko umiiwas siya[...] umiiwas sa accountability[...]” pagbabahagi pa ni Tiangco.
Dagdag pa niya, “finally, yesterday, parang inamin na rin no’ng abogado niya na hindi na siya uuwi because supposetedly of threat to [his] life.”
Pagpapatuloy ni Tiangco, tila nakikita raw niya ang “pattern” ng mga ginagawa ni Co.
“Makikita natin ‘yong pattern. When he claimed medical treatment, hindi siya nagpakita ng medical certificate. Ngayon, sinasabing [may] threat to life, wala namang pinapakitang threat assessment,” ani Tianco.
Kuwestiyon pa niya, mayroon ba raw legal na basehan ang hindi pagharap sa mga kaso ni Co dahil sa mga natatanggap nitong pagbabanta sa kaniyang buhay.
“Nagtataka lang ako, ano kayang legal basis no’ng hindi ka haharap sa kaso mo dahil may threat to life. Wala namang legal basis ‘yon,” saad ni Tiangco.
“Ibig sabihin, porke’t mayaman siya, makapangyarihan siya, puwede niyang gamitin ‘yong ‘threat to life?” tanong pa niya.
Hindi raw tamang gamitin ni Co ang kaniyang yaman kumpara sa kalagayan ng taumbayan na nakakausahan at nakukulong nang walang salapi.
“E, ‘yong ordinaryong tao, ordinaryong mamamayan, kapag nakasuhan, kailangan niyang harapin?” pagkukupara ni Tianco.
“I think, mali ‘yon,” pagtatapos pa niya.
Samantala, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag ang kampo ni Co kaugnay rito.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta
MAKI-BALITA: Zaldy Co, hindi tumatakas! — Legal counsel
MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw pag-aari ng anomang aircraft
Mc Vincent Mirabuna/Balita