Binabakbakan ngayon ng mga netizen si Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner at engineer na si Slater Young matapos ang naranasang matinding pagbaha sa Cebu dahil sa pananalasa ng bagyong Tino noong Nobyembre 3 hanggang 4.
Tinatadtad ng hate comments ang social media accounts ng celebrity engineer dahil sinisisi ng mga netizen ang kaniyang proyektong "Monterrazas de Cebu," ang proyektong matagal nang ibinida ni Slater sa kaniyang vlog, na isang high-end residential project sa bundok.
Trending pa sa X ang "Monterrazas" dahil dito.
Photo courtesy: Screenshot from X via Richard de Leon/BALITA
Ayon sa post ng mga nagngingitngit na netizens, espekulasyon nilang isa sa mga naging dahilan ng malubhang pagbaha, ay marami umanong mga puno ang pinutol sa nabanggit na bundok para sa proyekto, bukod pa sa iba pang isyu gaya ng deforestation, umano'y posibleng poor sewage systems, weak city planning, climate change, disiplina sa basura, at pagtaas ng bilang ng populasyon.
Isa sa mga bumanat dito ay ang page na "Good Governance."
"Meanwhile, the mega luxurious aesthetic Monterrazas de Cebu of Slater Young has caused enormously abnormal flooding in Cebu City nearby places. Nasaan si Slater?" anila.
Photo courtesy: Screenshot from Good Governance/X
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens. May mga bumanat kay Slater pero may mga nagsabi rin namang huwag isisi sa kaniya ang lahat, dahil in the first place daw, hindi raw ito aaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Cebu kung magdudulot ng problema.
"We prepared for #TyphoonTino, but we didn't for Monterazzas De Cebu's sudden water flow. But who would have thought we'd be swimming in mocha-colored waters (aka anapog)."
"Nasaan na si Slater Young? Sagutin mo ang ngitngit ng mga netizens!"
"Kamusta na kaya itong swapang na ‘to."
"Ano na Slater, kumusta naman ang project mo matapos ang pagbaha sa Cebu?"
"Montérrazas may be a factor in flooding, but bigger issues remain: deforestation, poor sewage systems, weak city planning, climate change, garbage discipline, and rapid population growth. Leaders have long ignored Cebu’s growing risks. We deserve smarter governance."
"Just curious, affected ba ng malala yung area ng project na yan?"
"I think dapat ang focus sino ung developer at nagpasa na mabuild yan. Paano nila pinayagan?"
"Yan talaga pinaka concern ko sa project nya na yan. Curious if gaano kalaki impact."
PALIWANAG NI SLATER TUNGKOL SA PROYEKTO
Matatandaang noong 2023, sinagot na rin ni Slater ang mga kumukuwestyon sa nabanggit na proyekto, sa isyu nga ng deforestation sa bundok.
“This is just a small, small portion of the mountain, at the foot of the mountain,” pagkaklaro ni Slater sa kaniyang vlog noong Agosto 2023.
"This only has 146 units. So, very exclusive ito. Of course, it's still big, no doubt about it. But hindi siya yung buong bundok. It's just the side of a mountain. And even if you go to Google Earth and you look at that site, wala kayong makikita na forest there."
“I just wanted to clarify that this is zoned as residential. Yung zoning natin residential, we're very, very close to the city. If you were to walk from the site to the next jeepney stop, walk ha, hindi drive, probably three to five minutes, nando'n ka na. So, ganiyan siya kalapit sa city. The site is about, 'yong center ng Cebu, basically the Ayala Mall, where all the hospitals are. This is about 15 minutes away lang.”
Nilinaw rin ni Slater ang tungkol naman sa mga kumukuwestyon sa panganib na maaaring dulot nito sa kapaligiran at kalikasan.
"I think there's a misconception that we're cutting down a forest, we're destroying habitats," aniya.
"Kasi 'yon 'yong isa sa mga parang nababasa namin na parang major concern is they're thinking about deforestation. So, hindi naman gano'n, hindi naman siya totally gano'n 'yong mangyayari. There is vegetation, just like any other construction site, pero hindi siya forest. Puro siya mga shrubs, cogon, mga ganyan. Hindi din siya parang mga prone sa mga landslides or may fault line. Hindi naman siya gano'n.”
Pagdating naman sa baha, "Of course, we cannot prevent the flood in the city. What we can do is not to contribute to it. So this project will not be contributing to anything that's already there."
Sa kasalukuyan, kapansin-pansing naka-limit lamang ang puwedeng magkomento sa Instagram posts ni Slater.
Kamakailan lamang, inaddress ni Slater ang mga akusasyon ng netizens na nakinabang siya sa buwis ng taxpayers, sa isyu pa rin ng mga kickback at komisyong nagaganap sa mga proyekto ng pamahalaan at construction company contractors.
"I do not have any government projects," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Slater Young pumalag sa akusasyong government contractor, nakinabang sa buwis ng taxpayers
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag si Slater o maging ang mga kasama niya sa nabanggit na proyekto. Bukas ang Balita sa kanilang panig.