December 11, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: ‘Friends for keeps?’ Mga mabuting kaibigan, galing din sa Panginoon

#KaFaithTalks: ‘Friends for keeps?’ Mga mabuting kaibigan, galing din sa Panginoon
Photo courtesy: Unsplash

“Show me your friends and I will tell you who you are.”

Madalas nating naririnig ang kasabihang ito pagdating sa pagpili ng mga kaibigang sasamahan, dahil kadalasan, ang mga kaibigan natin ang repleksyon ng mga interes at pananaw natin sa buhay. 

Bukod din sa pamilya, sila ang nagiging kasangga natin sa oras ng kalungkutan at saya, at nagpapangaral kapag nalilihis tayo ng paglakad sa buhay. 

“Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.” - Mga Kawikaan 17:17

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagluluksa para sa atin

Sa mundo kung saan lahat ay instant at pansamantala, ang mga alaala at presensiya ng isang kaibigan ay ginhawa na nananatiling tiyak at matatag. 

Sabi sa Bibliya, ang “true friends” o mga tunay na kaibigan ay nananatili sa tabi natin ilang sa habambuhay (Mga Kawikaan 18:24). 

Kaya mahalaga na maging matalino sa pagpili ng tatawagin nating “kaibigan,” dahil hindi pa rin maiiwasan na may mga taong magdudulot ng sakit sa atin (Mga Kawikaan 12:26; 1 Corinto 15:33). 

Ang tunay na kaibigan, magkaroon man kayo ng away o hindi pagkakaintindihan, hindi siya hahanap ng paraan para makasakit o ibunyag lahat ng napag-usapan niyo. 

Higit sa lahat ang tunay na kaibigan ay nirerepsenta ang pagmamahal ni Hesus sa kahit na anong sitwasyon o pangyayari sa buhay (Juan 15:13). 

Dahil isa sa mga utos Niya ay mahalin natin ang isa’t isa katulad ng pagmamahal Niya sa atin (Juan 15:12). 

Kaya, ipanalangin din natin ang mga kaibigan natin, at maging mabuti rin tayo sa kanila, dahil sa pamamagitan ng relasyong ito, maipapamalas natin sa isa’t isa ang pagmamahal na walang hanggang ni Hesus. 

Sean Antonio/BALITA