December 13, 2025

Home BALITA

ICI sa kinakaharap na problema ng Pilipino: 'Wag maging suwapang sa pera!'

ICI sa kinakaharap na problema ng Pilipino: 'Wag maging suwapang sa pera!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nanawagan si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairman Andy Reyes Jr., sa mamamayang Pilipino na pairalin ang pagmamahal sa kapuwa at sa bayan para sa ikauunlad ng bansa. 

Ayon sa isinagawang press conference ng ICI nitong Huwebes, Nobyembre 6, iminungkahi ni Reyes ang pagtulong sa taumbayan sa kapuwa at gobyerno, halimbawa kung mayroong “extrang” salapi at oras. 

“We need to love our country,” pagsisimula niya, “we need to love one another.” 

“Kung may extrang pera kayo, tulungan ninyo ang mahihirap. Kung may time kayo, tulungan ninyo ang gobyerno,” paliwanag pa niya. 

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Pagpapatuloy pa ni Reyes, huwag daw ugaliin ng Pilipino ang pagiging suwapang. 

“Hindi ‘yong suwapang ka, lahat ng pera [ay] tinatago mo, hindi mo sini-share. We need love. Gusto nating maging suwapang, atin na lahat. Mayroon ka nang tatlong sapatos, ‘di ba tama na ‘yon kesa [hindi] ka magsapatos,” hinaing niya. 

Dagdag pa niya, huwag din umanong palagiin ng Pilipino na tangkilikin ang mga imported na produkto at matutong magtipid. 

“Sometime, we have to realize na hindi naman tayo mayaman na country. So we have to save[...] puro tayo bibili ng mga imported na kung ano-ano,” aniya. 

Wala raw patutunguhan ang bansa kung hndi matututuhan ng Pilipino na mahalin ang isa’t isa. 

“We have to love one another and we have to love our country. Kasi kung kuwentuhan tayo nang kuwentuhan, hindi tayo nagmamahal sa ating kapuwa Pilipino, we don’t love our country, wala ring mangyayari sa atin,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Office of the President, aprub sa ₱41M pondo ng ICI hanggang sa katapusan ng 2025

Mc Vincent Mirabuna/Balita