"That moment reminded me — there’s truly nothing wrong with being kind and genuine. Sometimes the simplest hearts teach us the deepest lessons."
Iyan ang natutuhan ng isang netizen na nagngangalang "Shaira Era," isang event host, matapos niyang ibahagi ang engkuwentro sa isang "random kid" na lagi niyang naiispatang nagbubukas ng glass door ng isang sikat na convenience store sa GMA, Cavite, kung saan, pinagbigyan niya ang simpleng hiling nito para sa birthday niya.
Pagbabahagi ni Shaira sa Threads post niya noong Martes, Nobyembre 4, nagkataong birthday pala ng nabanggit na bata nang araw na iyon.
"Happy Birthday to this kid! I don’t even know him — just a random kid who opened the door for me at 7-Eleven," kuwento ni Shaira.
Kuwento ni Shaira, lumapit daw sa kaniya ang bata at sinabi nitong birthday pala niya.
"Tonight, he approached me n softly said it’s his birthday. So I told him to choose any food he wants. He picked a ₱40 sisig and one Delight drink. I asked him again to get more, but he smiled and said, 'Okay na po ito.'"
"That moment reminded me — there’s truly nothing wrong with being kind and genuine. Sometimes the simplest hearts teach us the deepest lessons," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from shairamcreign/Threads
Kalakip ng post ang maiksing video clip kung saan makikita kung gaano kasaya ang bata sa pa-bertdey sa kaniya ng di-kakilala.
Marami naman sa mga netizen ang naantig ang damdamin sa nabanggit na "random act of kindness."
"When birthdays are the very least concern of a child born in poverty, but this is one of the most important experiences of his life. May God bless you always and may this kid grow up to be a good and kind person."
"May your wallet won't dry Mima and all your prayers be fulfilled."
"Hindi nya yan makakalimutan hanggang pagtanda.. maaalala nya na may isang taong nag pasaya ng birthday nya nung bata pa sya great job ate sa act of kindness and for being thoughtful. God bless your heart."
"Maraming salamat miss napasaya mo sya, ang sarap sa puso. We appreciate you! God bless you more!"
"Sana lumaki siya na mabuting bata at hindi matutong mag bisyo."
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Shaira, ibinahagi niyang madalas na niyang nakikita ang nabanggit na bata na laging nagbubukas ng pinto sa convenience store para sa mga customer, umaasang mabibigyan siya ng tip.
Naikuwento raw ng bata sa kaniya na 11 silang magkakapatid.
"Upon checking, yung bata po is maraming kapatid, nasa 11 po ata sila," saad ni Shaira sa Balita.
Ang nabanggit na bata ay nagngangalang "Jhayris."
Hindi na raw natanong ni Shaira kung nag-aaral pa ang bata sa dami nilang magkakapatid.
Kudos Shaira, at happy birthday sa bata!