December 12, 2025

Home BALITA Probinsya

Higit ₱13 milyon, kinakailangan ng DepEd para sa school cleanup matapos ang hagupit ni 'Tino'

Higit ₱13 milyon, kinakailangan ng DepEd para sa school cleanup matapos ang hagupit ni 'Tino'
Photo courtesy: MIO Lungsod Nan Cagdianao (FB)

Nasa higit ₱13 milyon ang halagang kailangan ng Department of Education (DepEd) para sa mga paglilinis at pagsasaayos ng mga classroom na nasira sa pagdaan ng bagyong “Tino.” 

Ayon sa latest report ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service noong Miyerkules, Nobyembre 5, 76 na eskwelahan sa mga rehiyon ng Central, Eastern at Western Visayas, Negros, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao ang nakapagtala ng mga pinsala mula sa bagyo. 

Kaya tinatayang ₱11.6 na milyon ang kailangan para sa minor repairs ng mga eskwelahang ito, kung saan ₱49,000 ang nakalaan para sa bawat classroom.

Karagdagang ₱2.11 milyon naman ang kailan para sa cleanup at clearing operations (CUCO) sa nasabing 76 na eskwelahan. 

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Sa tala rin ng DRMMS, may naitalang 64 na totally damaged classroom, 91 na may major damage, at 237 na may minor damage. 

Sa kasalukuyan, may naitalang 522 na eskwelahan o 2,507 classroom ang ginagamit bilang pansamantalang evacuation centers para sa mga residenteng nawalan ng bahay dahil sa bagyong “Tino.” 

Bilang tugon, binanggit ni DepEd Media Relations chief Dennis Legaspi sa Philippine News Agency (PNA) na gagamitin nila ang kanilang quick response fund (QRF) para sa mabilis na pagsasaayos ng mga eskwelahan sa mga nasalantang lugar. 

Sean Antonio/BALITA