December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Caprice ng PBB, grateful pa rin sa magulang kahit maaga siyang ipinagbuntis

Caprice ng PBB, grateful pa rin sa magulang kahit maaga siyang ipinagbuntis
Photo courtesy: Pinoy Big Brother (YT)

Tila nabagbag ang damdamin ng netizens sa heartfelt story ng Demure Daughter ng Quezon City at online sensation ngayon na si Caprice Cayetano sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition 2.0. 

Ayon sa latest episode na inere ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 noong Huwebes, Nobyembre 5, naikuwento ni Caprice kay Kuya na maaga raw siyang naipagbuntis ng kaniyang ina. 

“Si Mommy po, pinanganak niya po ako no’ng 15 [anyos] po siya. And then si Daddy po, 17 [anyos] po siya no’ng time na ‘yon,” pagsisimula ni Caprice. 

Pagpapatuloy pa niya, “nag-struggle po kami no’ng una kasi, syempre, hindi naman po sila nasa tamang age pa no’ng pinanganak po ako.” 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ani Caprice, hindi raw niya maisip kung siya ang mapupunta sa ganoong kalagayan sa murang edad. 

“Ako po no’ng na-feel kong bata po sila no’ng pinanganak nila ako, parang nalungkot po ako. Kasi kung iisipin ko pa na ngayon, 16 po ako tapos may anak po ako, parang hindi ko po ma-imagine,” saad niya. 

Naging emosyonal ang pag-uusap ni Caprice at Kuya nang sabihin niya na masaya raw siya sa pamilyang mayroon siya ngayon. 

Dagdag pa ni Caprice, lumaki raw siya nang wasto sa tulong at gabay ng kaniyang mga magulang. 

“Naluluha po ako in a good way kasi happy po ako para sa kanila. Happy na po ako sa kung anong mayroon po ako, sa family po na mayroon po kami,” ‘ika niya. 

“Pinalaki po nila ako nang maayos kahit bata pa po sila naging parents. Nakita ko rin po na naging good example pa rin po sila sa akin. Talaga ni-make sure po nila na hindi mangyari sa akin kung ano ang nangyari sa kanila before.” 

“Talagang pinroktekhan po nila ako[...] talaga ginagabayan po nila ako,” pagtatapos pa ni Caprice. 

Tila kumurot naman sa puso ng netizens ang kanilang narinig sa kuwento ng bata. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang episode n PBB tungkol kay Caprice:

“Kung si Will Ashley ang Nation's Son last season...si Caprice talaga ang Nation's Daughter for being so good, loving, and obedient daughter she is to her parent. Her upbringing is so unprecedented. She is really my BIG Winner amongst other HMs...rooting for her until the end!”

“Si Caprice yung tipo ng tao na kapag mabigat ang loob mo tapos siya ang makakausap mo siguradong gagaan ang loob mo napaka bait na bata.” 

“Grabe pagpapalaki kay caprice kudos sa parents  hindi nawawala ang "po" sa kanya..bihira na yung kabataan na ganyan ngayon.” 

“Caprice really has a good heart and mind. Her parent gave Caprice the love she needed which is a healthy family despite being a teenage parent they gave her the love she deserve. That is why she grew up so fine and talented person and a very sweet girl. We love you Caprice!” 

“Kudos to the parents apakabait na bata ni Caprice. Our baby girl.”

“APRICE IS SUCH A CHARMER! SHE'S ALREADY BIG WINNER MATERIAL.” 

Mc Vincent Mirabuna/Balita