December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Blonde na Miss Earth?' Netizens, hirit isabak si ‘Mowm’ Klang sa Miss Earth 2026

'Blonde na Miss Earth?' Netizens, hirit isabak si ‘Mowm’ Klang sa Miss Earth 2026
Photo courtesy: Klarisse De Guzman (X), MB FILE PHOTO

Usap-usapan ngayon online ang napansin ng netizens na puro blonde umano ang nananalo sa Miss Earth simula noong 2023 hanggang 2025. 

Dahil dito, hinirit ng netizens na isabak ang tinaguriang "The Nation's Mowm" at Kapamilya Soul Diva na si Klarisse De Guzman sa Miss Earth 2026. 

Tila hindi naman pakakabog si Klarisse at sinakyan pa niya ang hirit ng kaniyang mga tagasuporta. 

Ayon sa ni-repost ni Klarisse sa kaniyang “X” account noong Miyerkules, Nobyembre 5, makikita sa nasabing post ang litrato nina Drita Ziri ng Albania na siyang Miss Earth 2023, Jessica Lane ng Australia na Miss Earth 2024, at ni Natalie Puskinova ng Czech Republic na siyang bagong itinalagang Miss Earth 2025. 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

“Babawi tayo,” kabog na hirit ni Klarisse sa kaniyang caption. 

Photo courtesy: Klarisse De Guzman (X)

Photo courtesy: Klarisse De Guzman (X)

“Pansin n’yo? ako pinakabagong retouch ang roots. It’s a sign,” pahabol pa niya. 

Rumesbak naman para kay Klarisse ang kaniyang mga fans. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang repost ni Klarisse:

“Grabe after acting makikita ka na din namin as beauty queen. Certified reynanay ka dyan mowm.” 

“Next miss Earth, mars, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune  2026 isama na natin ibang planeta mowm.” 

“Sige ma, support ka namin! alin ba dito susuotin mo? pili ka na lang ma.” 

“Go get the crown mowm!! Hahahahahah”

“Mowm, wag ka papatalo! ikaw ang pinaka the best na Miss earth. sure win ka, mas maganda ang roots mo e.” 

“Sure win na to. May pattern eh...panay blonde.” 

“Make way for Miss Mowm Philippines I guess” 

“Ma, heto na, baka dito ka na maging big winner, iuwi mo ang korona para sa bayan.” 

“Ay panalo na to rampa pa lang atake na, kahit wala to gawin winner na sa puso namin.” 

MAKI-BALITA: Palit sa kiffy? Vice Ganda, bet ibigay ‘pututoy’ niya kay Klarisse De Guzman

MAKI-BALITA: 'Di substandard, tinodo, 'di kinupit budget!' Vice Ganda, may hirit tungkol sa stage ng concert ni Klarisse

Mc Vincent Mirabuna/Balita