January 09, 2026

Home BALITA

₱172-M Super Lotto jackpot, 'di napanalunan!

₱172-M Super Lotto jackpot, 'di napanalunan!
PCSO

Walang pinalad na makauwi ng mahigit ₱172 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 6, 2025.

Sa lotto draw ng PCSO, walang nakahula ng winning numbers ng Super Lotto 6/49 na 47-48-1-16-11-41 na may kaakibat na premyong ₱172,090,632.00. 

Wala ring nanalo ng ₱65,771,261.60 na premyo ng Lotto 6/42 na may winning numbers na 4-8-28-36-21-35.

Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang premyo ng dalawang lotto games sa susunod na bola.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Binobola ang 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang 6/42.