December 12, 2025

Home BALITA National

Zaldy Co, wala raw pag-aari ng anomang aircraft

Zaldy Co, wala raw pag-aari ng anomang aircraft
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nilinaw ng legal counsel ni dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co na wala raw pagmamay-aring anomang air assets ang kaniyang kliyente. 

Ayon sa isinagawang press briefing ni Atty. Ruy Rondain nitong Miyerkules, Nobyembre 5, tiniyak niya sa publiko wala raw kahit anong aircraft si Co.

“Si Representative Co, wala siyang [pag-aari] na aircraft,” pagsisimula niya. 

“I understand that any aircraft related to him is owned by Misibis Aviation. Separate si Mister Co sa Misibis,” paglilinaw pa niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Iyon daw ang “malaking misinformation” na layon nilang linawin kaya sila nagsagawa ng nasabing press briefing. 

“‘Yan na ‘yong isang misinformation na malaki. That’s the reason we’re here because Secretary Dizon kept saying na ipi-freeze lahat ‘yan, ico-confiscate ‘yan,” aniya. 

Paggigiit ni Rondain, matagal na raw naitatag ang Misibis Aviation & Development Corporation bago pa man maging congressman ang kliyente niyang si Co. 

“E, if you look [at] his SALN, Misibis Aviation was incorporated in 2004, 2008. Zaldy Co became a congressman in 2019,” saad niya. 

“So, ‘yang Aviation company in which he own stock was already 15, 16, 17 years old when he became a congressman,” paliwanag pa ng abogado. 

Ani Rondain, lagi daw ipinapahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na ipo-forfeit ang umano’y mga air assets ni Co. 

“Sinasabi ni Sec. Dizon na ipo-forfeit daw. Dalawa lang ang forfeiture dito. Criminal forfeiture will require a criminal conviction, that’s final. A civil forfeiture will require proof and a final decision that the forfeited property was illegally acquired,” pagdidiin ni Rondain. 

“How can something that was acquired by a company, 17 years before he became a congressman, be illegally acquired?” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang umugong ang balitang nakalabas na raw sa bansa ang tatlo (3) sa sampung (10) air assets Co ayon sa pagkukumpirma ng Civil Aviation Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Oktubre 29, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: 3 sa 10 air assets ni Zaldy Co, sumibat na sa bansa—CAAP

“Meron nang tatlong air assets na nakalabas [ng bansa]. Dalawang helicopter at ‘yong isang tinatawag natin na Gulfstream g350. ‘Yong una pong nakalabas ay no’ng August 20, ‘yong isang helicopter, at no’ng August 16, ‘yong Gulfstream g350[...] ‘yong helicopter na isa pa ay [September 11]” saad noon ni CAAP Director General Raul Del Rosario sa panayam niya sa True FM. 

Nilinaw naman ni Del Rosario na ayon umano sa record nila, nasa iba’t ibang mga hangar sa loob ng bansa ang iba pang air assets ni Co na hindi pa nakakalabas. 

“Ito pong iba ay nasa iba’t ibang hangar dito sa Pilipinas. Sa record po namin ay nasa Bicol hangar[...] mayroon din po kami, as far our record is concern ay mayroon pang naririto sa Misibis hangar sa NAIA,” pagtatapos pa niya.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta

MAKI-BALITA: Co, 'di inirerekomendang umuwi dahil sa umano'y death threats—Legal counsel

Mc Vincent Mirabuna/Balita