Nilinaw at binigyang-diin ng legal counsel ni dating Rep. Zaldy Co na si Atty. Ruy Rondain na hindi tumatakas ang kaniyang kliyente.
Sa isang press conference nitong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025, binigyang-diin ni Rondain na hindi tumatakas si Co.
"No. Kasi remember that he flew out for medical reasons way before this whole thing blew up," ani Rondain.
Dagdag pa niya, "When did this blew up? After the SONA. He flew out as early as February, I think? So, hindi siya tumakbo. Let's get that clear. Again, let's redirect the narrative."
Nauna ring iginiit ni Rondain na hindi umuuwi sa bansa si Co dahil sa mga pagbabanta umano sa buhay nito.
"Rep. Co would have wanted to be here himself so he can answer your questions, unfortunately, there are credible and serious threats to his life na he's really afraid to come out at this time," anang legal counsel.
Bukod dito, hindi niya rin alam kung nasaan si Co.
"I don't know where he is because I never asked him where he is. It's not relevant for his defense and I never asked because I don't want to have to lie to any of you when you ask me that question where he is."
Sa ibang bahagi ng panayam, ang huling narinig niya kung nasaan si Co ay nasa Boston.
"I don't know. Last I heard, he was in Boston for his medical."
Matatandaang noong Setyembre 4, 2025, nang sabihin ni House Spox Princess Abante na nagtungo si Co sa Amerika para sa isang extensive health consultation.
KAUGNAY NA BALITA: ‘For medical treatment?’ Rep. Elizaldy Co,kumpirmadong nasa labas ng bansa—House Spox
Habang sa hiwalay na pahayag naman nang igiit ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na nag-90/60 raw ang blood pressure ni Co kung kaya’t kinailangan niyang manatili sa Amerika matapos ihatid ang kaniyang anak.
KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, nag-90/60 BP kaya may 'extensive check-up' sa US—solon
Noong Setyembre 29 naman nang magbitiw sa puwesto si Co bilang kinatawan ng Ako-Bicol Party-list.
Kabilang si Co sa mga kongresistang pinangalanan na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Maki-Balita: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025
Bago pa man ito, nauna nang pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya si Co bilang isa sa mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata sa gobyerno.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co