December 13, 2025

Home BALITA

US Amb. to the Philippines, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi dahil kay 'Tino'

US Amb. to the Philippines, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi dahil kay 'Tino'
MB file photos

Nakiramay si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa pamilya ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino. 

"My heart goes out to everyone affected by Typhoon #TinoPH's devastation," saad ni Carlson sa isang X post nitong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025. 

"We extend our condolences to the friends and families of those who perished and salute the brave first responders on the scene," aniya pa.

Sinabi rin ni Carlson na nakikipagtulungan na ang Estados Unidos para makapagbigay-tulong.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Nitong Miyerkules ng tanghali, umabot na sa 89 katao ang nasawi dahil sa hagupit ng bagyo, ayon sa mga awtoridad.