May cool na sagot ang "Wais na Misis" na si Neri Naig-Miranda sa mga natanggap na panlalait na kesyo mukha na raw siyang haggard at tumanda ang hitsura niya.
Nag-ugat ito sa latest Instagram post ni Neri kung saan ipinakita niya sa video ang paghahalaman niya sa tinatawag niyang "sunroom."
"Habang nakikinig ako sa patak ng ulan, I started planting arugula, lettuce, and kangkong. Then I took care of my succulents... wiping the leaves, rearranging them one by one," mababasa sa post ni Neri.
"There’s something about days like this that grounds me. Parang habang inaayos ko ‘yung mga halaman, inaayos ko rin ‘yung loob ko," aniya pa.
Sa nabanggit na video, nakasuot lamang ng pink na t-shirt si Neri at wala siyang make-up.
Ito ang pinagdiskitahan ng mga netizen at kinomentuhang mukha na siyang haggard at tumanda ang hitsura niya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens: may mga sumang-ayon, pero mas marami rin naman ang nagtanggol para sa kaniya.
"I saw her sa personal sa SNR sobrang ganda kahit walang make up."
"Grabe kayo. Ang ganda ganda nga nya kahit ganyan na walang ayos. Tsaka di bale ng hindi postura no basta ganyan kayaman hahaha"
'Anyare bakit mukhang haggard at tumanda na?"
"Kung ito ang mukha nang haggard at matanda, ay depota ano nalang tong mukha ko na gusgusin pag nasa bahay lang. hahaha dont mind the noise ms neri. You are beautiful inside and out!"
"She's happy and beautiful. Not trying hard to be someone else. Pinapakita mya kung gaano kasimple at ganda ang buhay. Wag kayong ano dyan."
REAKSIYON NI NERI
Hindi pinalampas ni Neri Naig-Miranda ang mga netizen na kumuwestiyon sa kanyang hitsura matapos siyang sabihang “haggard” at “tumanda hitsura" niya.
Sa isang mahabang post sa social media, ibinahagi ng aktres-entrepreneur ang kaniyang reaksyon matapos makatanggap ng mga komento tungkol sa kaniyang mukha at itsura.
“When I woke up this morning and opened my phone, ang dami kong notifications… May nagsabi pa na, ‘Ano’ng nangyari kay Neri? Ang haggard nya.. tumanda itsura mo,’” ani Neri.
Aminado si Neri na marami na siyang pinagdaanan at patuloy pa ring lumalaban sa trauma at depresyon.
Matatandaang nasangkot siya sa isang kaso ng estafa dahil sa isang investment scam subalit kamakailan lamang ay tuluyan siyang naabswelto mula rito.
KAUGNAY NA BALITA: 'It was a nightmare!' Neri Miranda, nagsalita tungkol sa pinagdaanan niya
Aniya, ang mga litrato niyang walang make-up at filter ay nagpapakita lamang ng kanyang totoong buhay—isang simpleng babae sa bahay, nakaduster o pajamas, nagluluto, naglalaba, at nagga-gardening.
“Hindi ako pinanganak na maganda. Alam ko na yun… At matagal kong naging insecurity ‘yan nung bata pa ako,” dagdag pa niya.
Inalala rin ni Neri ang mga panahong tinatawag siyang “pangit” o “probinsyana” kahit noong nasa showbiz na siya. Gayunman, natutunan na niyang tanggapin at mahalin ang sarili habang tumatanda.
“So what if I’m not pretty? So what if I don’t look like everyone else on TV or social media? Because now, at 42, I’ve learned to love and accept this face. This body. This quiet, simple version of me,” ani Neri.
Sa dulo ng kanyang post, nag-iwan siya ng makahulugang paalala:
“Let’s normalize seeing women without make-up. Let’s normalize looking real, looking tired, looking human. Because maybe… it’s in our most unfiltered moments that we actually look the most alive.”
Maraming netizen ang nagpahayag ng suporta sa mensahe ni Neri, pinupuri siya sa pagiging totoo at inspirasyon sa mga kababaihang dumaraan din sa insecurities.
"Luh...gandang ganda nga ko dito..Taylor Swift ang atake ... Don't mind them miss Neri."
"Hmmmm hindi ko nakita yung 'pangit' or 'haggard,' ang nakita ko totoong tao, totoong nanay, totoong may asawa, totoong namumuhay. Hindi nakatago sa filter, malaya. Hindi para magpaimpress kundi para ipakita ang natural na ganda."
"Let’s be kind. Beauty grows old. Di lahat ng oras maganda ang mga nanay. Ang importante ang kalooban."
"Ang ganda mo nga Neri, bulag ba sila?"
"You are beautiful."