December 13, 2025

Home BALITA

Super typhoon, posibleng pumasok sa Sabado; Hilagang Luzon, tutumbukin?

Super typhoon, posibleng pumasok sa Sabado; Hilagang Luzon, tutumbukin?
DOST-PAGASA

Hindi pa man tuluyang nakakalabas ang Bagyong Tino, inaasahan na ang pagpasok ng bagyong binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility at ito ay nasa "super typhoon" category na sa pagpasok nito.

Ayon sa press briefing ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 11:00 AM, Miyerkules, Nobyembre 5, inaasahang papasok sa Sabado ng umaga, Nobyembre 8, ang naturang super typhoon. 

Kikilos ang bagyo pa-west northwest kung kaya't maaari umano itong mag-landfall sa Northern o Central Luzon sa Lunes ng umaga, Nobyembre 10. 

Gayunpaman, maaari pa raw magbago ang forecast ng super typhoon, na tatawaging "Uwan," sa pagpasok nito sa PAR. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo