December 12, 2025

Home BALITA National

Office of the President, aprub sa ₱41M pondo ng ICI hanggang sa katapusan ng 2025

Office of the President, aprub sa ₱41M pondo ng ICI hanggang sa katapusan ng 2025

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱41.4 milyong pondo para sa operasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa taong 2025, ayon kay ICI executive director Brian Keith Hosaka.

Sa isang press briefing, sinabi ni Hosaka na ang eksaktong paunang pondo ng ICI ay ₱41,481,000.

“It’s a big thing for any agency. It’s very crucial for our efficiency,” ani Hosaka.

Dagdag pa niya, “I believe it’s going to come soon because only a few documents are needed.”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Aniya, gagamitin ang naturang budget para sa paglikha ng 172 contractual positions sa komisyon, kabilang na rito ang pagtatatag ng legal department at administrative department, at iba pang tanggapan.

“Having the approval of the staffing pattern and at the same time the budget…would be the initial phase. Of course the next would be for us, is to be able to get in a way that staff that we need. Once we get them, we get to hire them, doon na mapapabilis iyan [that’s when we can speed up the probe],” giit ni Hosaka.

Sinabi niya na gagamitin din ang pondo para sa pagbili ng mga kagamitan, lalo na sa nakatakdang livestreaming ng mga imbestigasyon.

Nabuo ang Inter-Agency Committee on Investigations (ICI) sa pamamagitan ng isang executive order noong Setyembre upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga iregularidad at maling paggamit ng pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kaugnay na ahensya.

Sa kasalukuyan, tatlong kaso na ang naipasa ng ICI sa Office of the Ombudsman, na may rekomendasyong sampahan ng kaso ang ilang mambabatas, opisyal ng DPWH, at mga kontratista.