Naglabas ng saloobin ang Kapamilya Star na si Angel Locsin kaugnay sa kinahinatnan ng taumbayan sa Cebu dulot ng matinding pananalasa ng Bagyong Tino.
Ayon sa naging pahayag ni Angel sa kaniyang “X” account nitong Miyerkules, Nobyembre 5, sinabi niyang umaasa siyang ligtas ang lahat ng mamamayan sa Cebu matapos paghagupit ng nasabing bagyo.
“Not another one,” pagsisimula niya, “Hoping everyone in Cebu is safe.”
Photo courtesy: Angel Locsin (X)
Pagpapatuloy pa ng aktres, tila kinuwestiyon niya kung ulan nga lang ba talaga ang nakapagpalubog sa Cebu o naiwasan umano sana ito kung may natapos na bagay na hindi niya literal na tinukoy.
“Are we all thinking the same — is it just because of rain, or because something could’ve been done to prevent it?’ pagtatanong ni Angel.
Ani pa ni Angel, umaasa rin daw siya na makita ng awtoridad ang kalunos-lunos na sinapit ng Cebu.
“Hope authorities look into this as well so it doesn’t happen again,” saad niya.
“Wishing our kababayans a quick recovery and safer days ahead,” pagtatapos pa ni Angel.
Samantala, naglabas naman ng kaniya-kaniyang opinyon ang netizens kaugnay sa naturang post ng aktres.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao kaugnay sa pahayag ni Angel:
“Gel!! Magpakita ka na! Kailangan ng mga kababayan natin ang isang real-life Darna!!!”
“The Lord knows there is too much corruption going on. pls guide the people on who to vote. you have the influence to do it.”
“Although feeling ko preventable, Mother Nature is just too unpredictable these days. Sa totoo lang - Climate Change na yata talaga ito, kahit ano pang sisi natin sa gobyerno pero I think a science based Flood Mitigation plan might have still helped sana.”
“Is it just coincidence? After a mountain in Cebu was converted to a high end luxurious subdivison, low land flooding became a thing in cebu?”
“Back in 2008 a cease & desist order to prevent flooding in the low land residences during heavy rains much more a typhoon.”
“They cleared the forests in the mountains it was inevitable.”
“Hope the authorities take action to prevent such incidents in the future. Stay safe everyone in Cebu.”
Mc Vincent Mirabuna/Balita