December 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Ilang evacuees sa Samar, sa kuweba piniling sumilong sa kasagsagan ng bagyong Tino

Ilang evacuees sa Samar, sa kuweba piniling sumilong sa kasagsagan ng bagyong Tino
Photo courtesy: Contributed photo

Dose-dosenang residente ng Marabut, Samar ang nagsilikas at sumilong sa mga kuweba sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tino sa Eastern Visayas.

Ayon sa mga ulat, isang matagal nang kaugalian sa baybaying bayan tuwing may malakas na bagyo ang lumikas sa mga kuweba.

Sa mga larawang kuha mula sa lugar, makikitang dala ng mga evacuee ang mahahalagang gamit gaya ng pagkain, kaldero, termos, banig, at kumot habang naghihintay na humupa ang bagyo.

Ayon kay Police Captain Alner Peñeda, Officer-in-Charge ng Marabut Municipal Police Station, nasa humigit-kumulang 50 residente ang sumilong sa isang kuweba sa Barangay Tinabanan, habang 30 pang evacuee ang nasa Barangay Caluwayan.

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Samantala ayon pa sa mga awtoridad mula sa Marabut Police at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon at nakaantabay para sa posibleng rescue o relief operations.