December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

'Hindi namin kailangan ng pera!' Residente sa Mandaue, umapela ng relief goods

'Hindi namin kailangan ng pera!' Residente sa Mandaue, umapela ng relief goods
Photo courtesy: Screenshot from Dennis Datu (ABS-CBN News via X)

Nakiusap ang isang apektadong residente ng pananalasa ng bagyong Tino mula sa Paknaan, Mandaue City, Cebu, na sana ay may mag-donate sa kanila ng relief goods, lalo na ang pagkain, sa halip na pera.

Sa panayam nI Dennis Datu ng ABS-CBN News na naka-upload sa X, isang nagngangalang Michael Guinto ang umapelang mabigyan sila ng relief goods.

Makikita sa video na halos maputik ang mga naisalba niyang gamit mula sa matinding pagbaha.

"Sana lang may merong magdo-donate ba, kahit relief good lang! Hindi namin kailangan ng pera, sir. Depende na 'yan sa government kung ano na ang ibigay," aniya.

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Kaniya-kaniya na raw diskarte ang ilang mga residente kung paano sila makakakain. Ang iba raw ay nagbebenta na para lamang may pambili ng makakain.

"Kung hindi makakaon sir, patay na kami," giit pa ng residente.

Samantala, ibinahagi ni Cebu Governor Pam Baricuatro ang walang humpay na rescue at relief operations sa mga pamilyang nabiktima ng bagyo.

"By midday, I made calls to various national agencies, representatives from Malacañang, several senators, and cabinet secretaries to request immediate assistance and additional support for our affected towns," aniya.

"We continue to do everything we can. Search and rescue operations are ongoing, relief packs are being distributed, and the first round of leptospirosis prophylaxis has been administered to our PDRRMO responders. More assistance will arrive tomorrow as additional supplies and teams are deployed."

"To all Cebuanos — let us remain united, calm, and compassionate. We have faced challenges before, and we will overcome this one together. Kumbati, Sugbo," aniya pa.