December 13, 2025

Home BALITA

DOH, naka-‘code white alert’ dahil sa bagyong Tino

DOH, naka-‘code white alert’ dahil sa bagyong Tino
MB file photo

Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang "code white alert" kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong Tino sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOH, layunin ng pagtataas ng alerto na mas mapabilis ang deployment ng medical assistance sa mga tao at lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Tinitiyak din nito na ang lahat ng medical personnel, medical equipment, at mga pasilidad ay handang rumesponde sa anumang uri ng emergency at mga hindi inaasahang insidente.

“Itinaas ng DOH ang Code White Alert sa Central Office kaugnay ng pananalasa ng Bagyong #TinoPH,” anang DOH, sa isang Facebook post.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

Dagdag pa ng DOH, nakahanda na sa kanilang Operations Center ang mga gamot, medical equipment, at health emergency response teams para sa mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo.

Paniniguro pa ng DOH, ang kanilang Operations Center ay masusing naka-monitor sa mga lugar na apektado ng bagyo.

“Nakahanda sa DOH Operations Center ang mga gamot, medical equipment, at Health Emergency Response Teams para sa mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo.  24/7 din ang monitoring ng DOH Operations Center para sa agarang pagtugon sa mga apektadong lugar,” anang DOH.