December 13, 2025

Home BALITA National

Co, 'di inirerekomendang umuwi dahil sa umano'y death threats—Legal counsel

Co, 'di inirerekomendang umuwi dahil sa umano'y death threats—Legal counsel
screenshot: GMA News/YT, MB file photo

Hindi inirerekomenda ni Atty. Ruy Rondain, legal counsel ni dating Rep. Zaldy Co, na umuwi sa Pilipinas ang kaniyang kliyente sa gitna ng mga umano'y natatanggap na pagbabanta. 

Sa isinagawang press briefing ni Rondain nitong Miyerkules, Nobyembre 5, sinabi niyang natatakot daw bumalik daw bansa si Co dahil sa mga natatanggap umano nitong pagbabanta.

“Like I said, he’s deathly afraid of coming home because may serious threats to his life,” saad ng abogado.

Maki-Balita:  Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Naitanong din kay Zondain kung hanggang kailan maghihintay ang mga Pilipino sa sagot ni Co sa mga alegasyon ibinabato laban sa kaniya.

Aniya, hindi raw niya masisisi si Co kung ito ay natatakot umuwi.

"Well, I'll try to respond as best I can but yung fear kasi e is subjective e," anang legal counsel. 

Giit pa niya, "I can't tell him na 'don't be afraid' [...] If he fears, and again I don't blame him, if he fears that there are threats to his life, I don't blame him and I wouldn't recommend that he come home by under these circumstances."

Gayunpaman, nilinaw ni Rondain na hindi tumatakas si Co.

"No. Kasi remember that he flew out for medical reasons way before this whole thing blew up," ani Rondain.

Dagdag pa niya na hindi rin niya tukoy ang eksaktong bansa at lugar na kinaroroonan ngayon ni Co. 

“I don't know. Last I heard, he was in Boston for his medical," aniya. 

Maki-Balita: Zaldy Co, hindi tumatakas! — Legal counsel

BALIKAN

Matatandaang noong Setyembre 4, 2025, nang sabihin ni House Spox Princess Abante na nagtungo si Co sa Amerika para sa isang  extensive health consultation.

KAUGNAY NA BALITA: ‘For medical treatment?’ Rep. Elizaldy Co,kumpirmadong nasa labas ng bansa—House Spox

Habang sa hiwalay na pahayag naman nang igiit ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na nag-90/60 raw ang blood pressure ni Co kung kaya’t kinailangan niyang manatili sa Amerika matapos ihatid ang kaniyang anak.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, nag-90/60 BP kaya may 'extensive check-up' sa US—solon

Noong Setyembre 29 naman nang magbitiw sa puwesto si Co bilang kinatawan ng Ako-Bicol Party-list.

Maki-Balita: ‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto

Kabilang si Co sa mga kongresistang pinangalanan na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Maki-Balita: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025

Bago pa man ito, nauna nang pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya si Co bilang isa sa mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata sa gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co