December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anne nakingitngit sa netizen kontra kurakot: 'Bawat pisong ninakaw, kapalit ay buhay!'

Anne nakingitngit sa netizen kontra kurakot: 'Bawat pisong ninakaw, kapalit ay buhay!'
Photo courtesy: Anne Curtis (IG)/via MB

Hindi napigilan ni "It's Showtime" host at "Dyosa" ng Philippine showbiz na si Anne Curtis na hindi i-reshare ang X post ng isang netizen na nagpahayag ng saloobin at pagkagalit sa mga politikong kurakot na walang habas sa pangungulimbat ng kaban ng bayan, lalo na't marami sa mga mamamayan ang naapektuhan ng malalang pagbaha dulot ng bagyong Tino.

Mainit na usapin ang tungkol sa korapsyon dahil sa isyu pa rin ng anomalya at katiwalian sa flood control projects, lalo na't halos buwan-buwan, may pumapasok na bagyo sa bansa at nagdudulot ng matitinding pagbaha.

Saad ng netizen sa kaniyang X post, "sa mga nangurakot jan sa flood control projects lagi niyong tatatandaan sa bawat piso na kinukuha at ninanakaw niyo sa kaban ng bayan may kapalit itong buhay."

"YOU HAVE BLOOD ON YOUR HANDS!!!!" saad pa nito, kalakip ang mga larawang nagpapakita kung paano lubhang naapektuhan ang mga residente sa mga pagbaha.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ibinahagi naman ito ni Anne sa kaniyang X post, kalakip ang sad emojis.

Matatandaang isa si Anne sa mga celebrity na nagpapahayag ng accountability laban sa mga kurakot, at sumasama sa kilos-protesta laban dito.