December 14, 2025

Home BALITA National

Anjo, durog kay Usec Castro: 'Sino ka ba, wala kang kredibilidad!'

Anjo, durog kay Usec Castro: 'Sino ka ba, wala kang kredibilidad!'
Photo courtesy: Anjo Yllana (FB)/RTVM

Binanatan ni Presidential Communications Office Undersecretary (Usec) at Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang aktor at TV host na si Anjo Yllana matapos kaladkarin si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nang pagbantaan niya si Senate President Tito Sotto III na isisiwalat niya kung sino ang "kabit" nito.

Ayon kasi sa isinagawang live kamakailan ni Anjo, hinamon niya si PBBM na magpa-hair follicle test upang patunayang walang katotohanan ang mga akusasyong gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

"Kasi po ang baba na po ng trust rating, baka naman Mr. President ay ah... anong tawag sa gano'n? Follicle? Follicle ba tawag do'n? Test, 'yong drug test. Baka puwede na po kayo magpa-follicle drug test, kasi kung hindi naman talaga kayo gumagamit, eh magandang ipakita sa taumbayan," aniya pa. 

Iginiit pa ni Anjo na ang tawag na raw sa pangulo ay "Ngiwi."

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

"Panay po ang ngiwi ng bibig n'yo, Mr. President. Kumbinsido ang taumbayan na kayo ay gumagamit. Kaya nga baka puwede Mr. President, magpa-hair follicle test na kayo," aniya pa. 

Humirit pa umano ang aktor na ibinigay na kay Vice President Sara Duterte ang mga nahuhuling termino niya.

Pahayag ni Castro sa isinagawang press briefing noong Martes, Nobyembre 4, wala aniyang kredibilidad ang aktor at dating public servant sa Parañaque City, na aniya ay "nangangamoy-DDS."

Si Anjo ay bukas sa kaniyang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte gayundin kay VP Sara.

"Sino ka ba? Ipinakita mo ang totoo mong kulay dahil gusto mong paupuin si VP Sara ngayon pa lang. Nangangamoy DDS ka Anjo wala kang kredibilidad," pahayag ni Castro.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Anjo hinggil dito, bagama't sinabi niya sa panayam sa PEP na "ceasefire" na sila ni SP Sotto at hindi na niya ilalantad kung sino ang "other woman" nito sa Eat Bulaga noon pang 2013.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ceasefire na!' Anjo, 'di na tutuloy sa ayudang tsika tungkol sa umano'y chicks ni SP Sotto