December 14, 2025

Home BALITA

22% ng mga Pinoy, nakakaranas pa rin ng 'involuntary hunger’—SWS

22% ng mga Pinoy, nakakaranas pa rin ng 'involuntary hunger’—SWS
Photo courtesy: via MB

Mas maraming pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa ikatlong kwarter ng 2025, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025.

Batay sa resulta ng survey, 22% ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger—o ang pagkagutom at walang makain—sa loob ng ilang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mataas ito ng 5.9 puntos kumpara sa 16.1% na naitala noong Hunyo 2025, na nagsilbing pagputol sa pagbaba ng antas ng gutom na naobserbahan sa mga unang buwan ng taon.

Tumaas ang bilang ng mga nakaranas ng gutom sa lahat ng pangunahing rehiyon. Pinakamataas ang antas sa Metro Manila sa 25.7%, sinundan ng Balance Luzon sa 23.8%, Mindanao sa 19.7%, at Visayas sa 17.7%.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Ang karaniwang antas ng gutom para sa unang tatlong kwarter ng 2025 ay nasa 20.2%, halos kapantay ng naitalang antas noong 2024 at bahagyang mas mababa sa 21.1% na pinakamataas na naitala noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang Third Quarter 2025 Social Weather Survey mula Setyembre 24 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 Pilipinong edad 18 pataas mula sa iba’t ibang panig ng bansa.